BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Biyernes, Marso 11, 2011

Mga Bayani, Mga Ninuno, Mga Sinaunang Tao; ANJAN PA PO BA KAYO?

                          Kung wala sila, ano pa tayo ngayon? Kung hindi dahil sa tyaga, sipag at determinasyon nila, Asan na tayo? Para san nga ba ang bawat pawis at dugong inalay nila sa bawat laban at para sa  kalayaan na inaasamasan natin, kung hindi man lang natin masabihan ng SALAMAT?



                          Sila ang dahilan kung bakit tayo nandito. Ang dahilan kung bakit may wika tayong binibigkas, kung bakit may mga letra tayong ginagamit sa pagaaral, kung bakit may mga libro tayong pinagkukunan ng kaalaman, kung bakit may mga tinig tayong inaawit, kung bakit may instrumento tayong ginagamot at ang bawat sayaw na isinasayaw ng mga mananayaw.
                         
                          Napakataas ng pride ng ibang mga pinoy, feeling SOSYAL. FEELING RICH. ni salitang Filipino ay ayaw ng bigkasin, mga produktong gawang pinoy ay ayaw na ring tangkilin .Sasaying ba natin ang nasimulan nila? Mga simulain na inalay nila sa atin at hanggang ngayon ay ginagawa at ginagamit pa rin. Papalitan na ba nating ang masining na kaugalian ng nakaraan sa MODERNONG ngayon? Ano pa nga bang silbi ng mga wika, at kulturang natikman natin mula sa kanila kung hindi na natin ito kaya pang ipasa sa susunod na HENERASYON?..




                           Ang dating LUKSONG TINIK, PATINTERO, PALO SEBO, PIKO, TAGUTAGUAN, ay napalitan na ng mga COMPUTER GAMES, VIDEO GAMES, PSP, at iba pang mga modernong kagamitan. Wag naman nating sayangin ang mayamang kultura ng mga dugong bughaw .. Sana'y matikman din ng mga uhaw na isip ng kabataan ang malinamnam na yaman ng nakaraan. Kung talagang pagtutuunan ng pansin at nanamnamin ang ganda at tibay ng kultura ng ating mga ninuno ay walang wala na sa ngayon. Mas makabubuti kung lahat tayo ay magtutulong tulong sariwain ang kanilang mga ambag, maging yaman din ito ng ating mga puso't isipan. 


                        Walang mawawala kung atin padin itong ituturo sa susunod na henerasyon. Na kahit hindi na tuluyang gayahin ay matuto pading maging PROUD sa kung meron tayo. Maging inspirasyon dapat sila sa ating mga pilipino na lalong pagandahin at pagyamanin ang mga PAMANA NG NOON, HANDOG SA NGAYON AT YAMAN NG MAGIGING BUKAS.




                                                              

0 (mga) komento: