Mga magagandang simulain ng mga, HINDI PA KILALANG TAO? Sadyang wala na ba talagang panahon para sa kanila at sa mga ginawa nila? Ang bawat hubog ng dating nakaraan para sa mga gutom na kaalaman, isa sa pinakamagandang solusyon para dito ay ang pagsalin ng lahi't kultura. Mga dating klase ng pamumuhay maging sa paraan ng pagpuri sa mga diyos at sa bawat kilos at pananamit nila. Mga paniniwalat klase ng kinakain nila. PA-TRY NAMAN!
Mga librong puno ng detalye tungkol sa kanila. Mga Igorot, mga Muslim, mga mananakop, at mga bayani na sila Jose Rizal, Andres Bonifacio at si Lapu-Lapu. Maging sa mga Sumerians, at mga Babylonians, kay sarap nga namang pagaralan.
Pero, kung ating ikokompara sa kasalukayan, ay nawawala na ang presensya nila dahil sa mga makabagong teknolohiya. Imbis na tumingin sa mga lumang libro't sumuri, ay sa INTERNET na lang kumukuha. Bakit nga ba nadala na tayo ng bagong NGAYON?
Kung susuriin, ay napakasarap balikan ang mga hindi mo lubos maisip na ginagawa nila, sa paghugis nila ng mga bato, sa pagpatang ng palayan sa BANAUE RICE TERRECES at sa pangangalaga ng dating malilinis na ilog na ngayon ay nangangalingasaw na gawa ng mga basurang itinatapon ng mg tao., HALA? KADIRI! yan ang karaniwang sabi. Pero, ano nga bang kahalagahan nito sa atin?
Simple lang! Hindi kailangang gayahin pa, mas lalong hindi na dapat isabuhay pa. Pero, meron lang silang nais ibahagi sa atin, isang hindi kapansin-pansin ngunit, pagnakamit ay kay sarap damhin. ang KAALAMAN, PUSO, at BAWAT ARAL na naiambag nila. Bilang tulong sa pagharap natin ng bukas. Siguradong mapapalitana't mawawalang parang bula. Ngunit, pero, pagkatandaan, namnamin, damhin, alamin, at isa puso ang bawat dugo't pawis na inalay nila para sa kalayaan ng LAHAT hindi lang pangindibidwal, PERO PARA SA LAHAT SA MAGIGING YAMAN NG BUKAS.
view me@FACEBOOK if you like;